^

Bansa

PCG nagpadala ng dagdag na barko sa Ayungin shoal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpadala na ng dag­dag na barko at iba pang assets ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin shoal makaraan ang ulat na sinusundan ng mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Sinabi ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu na mayroon silang “raw footage” ng presensya ng barko ng CCG na kanilang ipinadala sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Task Force on the WPS (West Philippine Sea).

“Through our Task Force Kaligtasan sa Karagatan and Task Force Pag-asa, we ensure the presence of our Coast Guard vessels in the WPS,” ayon kay Abu.

Sa kabila umano ng presensya ng CCG at ng sarili nilang mga assets ng PCG, maayos naman umano ang diplomasya sa naturang bahagi ng WPS. Layon umano nila na mapawi ang pangamba ng mga ma­ngingisdang Pilipino na sila ay pinahahalagahan din at binibigyang proteksyon.

Nanawagan din si Abu sa mga mangingisdang Pilipino na i-dokumento o kumuha ng ebidensya sa kanilang mga karanasan sa CCG upang magamit sa mga isusumite nilang mga protesta.

Umaasa rin ang PCG na magkaroon ng pakikipag-usap sa CCG para sa katiwasayan sa WPS.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with