^

Bansa

132K nabigyan ng 1st booster sa 3 araw na ‘Bakunahang Bayan’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa132,000 indibiduwal ang nabigyan ng first booster laban sa COVID-19 sa isinagawang 3-araw na ‘Bakunahang Bayan’, ayon sa Department of Health (DOH).

“We were able to vaccinate first booster doses to 132,770 individuals nationwide,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa press briefing kahapon.

Tumaas din aniya, ang coverage ng may edad 5 hanggang 11 sa 49.3% o 33,239. Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 10.8 milyon sa grupong ito.

Layunin ng special inoculation drive na isinagawa mula Disyembre 5 hanggang 7 na pataasin ang booster uptake at pagbabakuna sa pediatric population.

Sa pinakahuling tala, nasa 73.6 milyong Pilipino  na ang fully vaccinated laban sa COVID-19, kung saan kabilang ang 20.9 milyon na nabigyan na ng booster.

Sa briefing, sinabi ni Vergeire na hindi niya binabawasan ang posibilidad na ang mga bakuna sa COVID-19 ay maaaring maging taun-taon dahil ang virus ay patuloy na nagmu-mutate at naglalabas ng mga bagong variant.

Samantala, bukas naman ang DOH sa panukala na gawing annual at bi-annual ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 dahil na rin sa patuloy pa rin ang pagmu-mutate at  pagsulpot ng mga bagong variants.

Nabanggit niya na ang kaligtasan sa sakit mula sa pangunahing serye ng COVID-19 ay humihina sa paglipas ng panahon.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with