^

Bansa

Utang ng Pinas, lumobo pa sa P13.64 trilyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Utang ng Pinas, lumobo pa sa P13.64 trilyon
Sa datos ng Bureau of Treasury, nasa P13.51 trilyon ang utang ng bansa nitong nakaraang Setyembre na nadagdagan agad ng P123.9 bilyon o .92% na pagtaas.
BW Photo

MANILA, Philippines — Lalo pang lumobo ang utang ng Pilipinas sa P13.64 trilyon nitong Oktubre dahil sa patuloy na panghihiram ng gobyerno sa mga lokal at dayuhang nagpapautang.

Sa datos ng Bureau of Treasury, nasa P13.51 trilyon ang utang ng bansa nitong nakaraang Setyembre na nadagdagan agad ng P123.9 bilyon o .92% na pagtaas.

Sa pag-uumpisa ng 2022, umakyat na ng P1.91 trilyon o 16.31% ang utang ng bansa.

Sa kabuuang utang, nasa P9.36 trilyon o 68.58% ang hiniram sa mga local lenders, habang ang nalalabing P4.29 tril­yon ay mula naman sa mga dayuhang lenders.

Matatandaan na nag-umpisa ang malakihang pag-utang ng Pilipinas sa nakalipas na dalawang taon sa pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para pondohan ang COVID-19 response ng bansa at mga proyektong pang-imprastruktura.

Sa kabila nito, sinabi ng mga economic mana­gers noon na hindi dapat ikabahala ang paglobo ng utang ng Pilipinas dahil sa makakayang bayaran ito sa inaasahang pag-akyat ng ekonomiya.

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with