^

Bansa

Mid at high-rise pabahay sa mahihirap, target ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para matugunan ang malaking backlog sa pabahay sa mga Filipino, pinag-aaralan na ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatayo ng mid-rise to high-rise housing units sa bansa.

Sa talumpati ni Marcos sa ceremonial turn-over ng pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite sinabi niya na kung dati ang konsepto ng pabahay ay bahay at lupa, ngayon ay dapat na ikonsidera ang kakulangan ng espasyo at pahirapan sa paghahanap ng lupa lalo na sa urban areas.

Dahil dito kaya sinabi ng Pangulo na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mid-rise housing projects o ang lima hanggang anim na palapag ng buildings o kaya ay high rise building na.

Iginiit pa ng Pangulo na hindi lang natatapos sa pagpapatayo ng mga pabahay kundi dapat ay itinutuloy din ang suporta sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagla­lagay ng mga palengke, maliit na mall, eskwelahan at lugar ng trabaho ng mga benepisyaryo.

Nais din ni Marcos na ang mga mid rise o high rise housing projects sa hinaharap ay hindi lalagpas sa isang oras lang ang biyahe patungo sa kanilang mga trabaho.

Layon ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng Department of Human Settlements and Urban Deve­lopment’s (DHSUD) na makapagpatayo ng isang milyong pabahay kada taon o 6 million housing units sa loob ng anim na taon ng Marcos government.

Ang nasabing programa umano ay konkretong hakbang para sa pangarap ng Pangulo na mabigyan ng maayos na pabahay ang mahihirap na Pinoy.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with