^

Bansa

‘Cash gift’ mas gustong matanggap ng mga Pinoy ngayong Pasko

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Cash gift� mas gustong matanggap ng mga Pinoy ngayong Pasko
Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) nitong November 1-30, tinanong ang 1,200 respondents nationwide ng “Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas?.”
STAR/File

MANILA, Philippines —  Mas gusto ng nakararaming Pinoy na makatanggap ng regalong cash ngayong Kapaskuhan.

Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) nitong November 1-30, tinanong ang 1,200 respondents nationwide ng “Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap ngayong Christmas?.”

Sa survey, lumabas na 38 percent ng mga Pinoy ay gustong makatanggap ng  “Gift in Cash” (GC) na regalo ngayong kapaskuhan.

May 32% naman ang gusto ay “Gift in Kind”, 22% ang nagsabing cash o kind na regalo habang 8% undecided.

Ayon kay VTS head Bro. Clifford Sorita, 39% ng babaeng respondents ang nais na makatanggap ng cash gifts habang 37% ay mga lalaki.

Sa mga edad 13-20, 58% ang gustong Gift in Kind, 17% Gift in Cash, 17% in-kind at 8% undecided

Sa edad 21-39, 53% gusto ng cash na regalo, 25% Gift in Kind, 15% puwedeng cash o in-kind at  7 undecided.

Sa mga adults na 40-60 years old ay 35% gusto gift in Cash, 27% cash at in-kind at 3% undecided.

Sa Elderly respondents na 61-anyos pataas, 34% gusto Cash, 31% Gift in Kind, 23% kahit cash o kind at 12% undecided.

Ayon naman kay Fr. Anton Pascual, pangulo ng Radio Veritas, na hindi mahalaga kung cash gift o  in kind ang matatanggap  ngayong Christmas kundi ang mahalaga sa pagbibigay ng regalo ay pagmamahal.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with