^

Bansa

3K estudyante, guro na malalabo mata nakatanggap ng libreng salamin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos 3 libong mag-aaral at guro mula sa Pampanga na malalabo ang mga mata ang nakatanggap ng libreng salamin at eye check-up nitong Nob­yembre, ayon kay Pampanga Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab.

Sa ilalim ng proyektong “Free eyeglasses for students and teachers” ng pamilya Pineda, isang grupo ng ophthalmologists at mga nurses ang nagsagawa ng eye checkups sa mga estudyante at guro sa 80 pampublikong paaralan sa Pampanga.

Nasa 2,947 estudyante at guro ang nakatanggap ng libreng salamin na may grado mula nitong Nobyembre 10-25.

“Nais po ng aming pamilya na matulungan ang ating mga guro at estudyante na mayroong problema sa kanilang mga mata. Sa pamamagitan po ng proyektong ito, inaasahan naming higit na magiging madali ang pag-aaral ng mga estudyante at mas komportableng makapagtuturo ang ating mga guro dito sa Pampanga,” ayon kay Pineda-Cayabyab.

Mas marami pa umanong salamin ang ipamamahagi sa mga estudyante, guro at maging mga non-teaching staff sa 500 paaralan sa Pampanga.

Iginiit ni Pineda-Cayabyab na tumataas ang bilang ng mga indibidwal na nagde-debelop ng malabong mga mata dahil sa gadgets at mas mahabang oras sa computers at mobile phones.

STUDENT

TEACHER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with