^

Bansa

74% barangay sa Pinas, drug-free – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 74% barangay sa buong bansa ang idineklarang drug-free.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo bunsod na rin ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

“As of November 15 po, nasa around 74.23% na po ‘yung na-clear nating barangay (we cleared around 74.24% of the barangays),” ani Fajardo .

Ayon kay Fajardo mula Hulyo1  hanggang Nobyembre 15, nasa 403 pang barangay ang drug-free dahil walang humpay ang kapulisan sa  pagtutok sa mga personalidad at lugar kung saan sangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Sinabi ni Fajardo na umaasa sila na mas dadami pang barangay ang drug free sa mga susunod na araw kasabay ng paglulunsad ng Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program na pinaigting at holistic na kampanya laban  sa illegal drugs.

Bukod dito, sinabi ni Fajardo na aabot sa 1.2 milyong indibidwal ang sumuko sa mga awtoridad kung saan natapos ang kanilang recovery at wellness program at community based programs.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with