^

Bansa

BFAR, natatalo ng fish smugglers na nagbebenta online – Imee

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
BFAR, natatalo ng fish smugglers na nagbebenta online â Imee
Sen. Imee Marcos attending a plenary session.
Bibo Nueva España /PRIB

MANILA, Philippines — Natatalo ng mga fish smugglers na nagbebenta online ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ayon kay Sen. Imee Marcos.

Magsisimula ang BFAR sa pagkumpiska ng mga hindi awtorisadong pag-import ng isda sa Disyembre 4 habang ang seasonal commercial fishing ban ay nananatili hanggang Pebrero sa susunod na taon.

Pero ayon kay Marcos, ang attached agency ng Department of Agriculture (DA) ay nagbigay lamang ng babala sa mga wet market at supermarket.

Anya, naunahan na ng mga smugglers na nagbebenta online ang BFAR.

Ipinunto ni Marcos na sa digital na mundo, hindi lamang ang wet market at supermarket ang mga lugar na maaaring pagbebentahan ng smuggled na isda at pagkaing-dagat.

“Smugglers selling online are one step ahead of the BFAR. In an increasingly digital world, wet markets and supermarkets are not the only venues for selling smuggled fish and seafood,” ani Marcos.

Ipinaliwanag ni Marcos na sinasamantala ng mga dayuhang commercial fishing boat ang saradong panahon ng pangingisda ng Pilipinas mula Nobyembre hanggang Pebrero bawat taon at ibinebenta ang kanilang deep-sea catch sa mga tiwaling local traders.

Nitong linggo lang, nadiskubre ng BFAR ang frozen salmon, pompano, at squid sa Commonwealth Market sa Quezon City, ngunit ang parehong seafood ay ­ibinebenta rin online.

Pinahintulutan lamang ng DA ang limitadong pag-aangkat ng round scad, big-eye scad, mackerel, bonito, at moonfish sa panahon na sarado ang fishing season.

Inilutang ni Marcos ang posibilidad na sa sarili ­nating tubig ng Pilipinas galing ang mga smuggled na isda.

Nababalewala aniya ang layunin sa pagpapatupad ng seasonal fishing ban para bigyan ng pagkakataon ang mga species na dumami at mapunan ang mga yamang dagat.

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with