^

Bansa

LPA silangan ng Tuguegarao City posible magiging bagyo sa loob ng 48 oras

Philstar.com
LPA silangan ng Tuguegarao City posible magiging bagyo sa loob ng 48 oras
Namataan ng PAGASA ang naturang low pressure area sa layong 450 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan bandang 6 a.m. ngayong Lunes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA.
earth.nullschool.net

MANILA, Philippines — Isang sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng state weather bureau sa silangan ng probinsya ng Cagayan, bagay na posibleng maging isang ganap na bagyo sa loob ng dalawang araw.

Namataan ng PAGASA ang naturang low pressure area sa layong 450 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan bandang 6 a.m. ngayong Lunes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA.

"This weather disturbance may develop into a Tropical Depression within 48 hours," sabi ng PAGASA sa kanilang ulat kanina.

"In the next 24 hours, the effect of Low Pressure Area (LPA) and shear line will bring moderate to heavy rains over Cagayan."

Nakikitang makatitikim ng mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan sa kalugaran ng Batanes, hilagang bahagi ng Isabela, Apayao, Kalinga, Abra at Ilocos Norte dahil sa LPA.

Dahil dito, malaki ang tiyansang bumaha o gumuho ang lupa lalo na sa mga lugar kung saan ito madalas mangyari sa mga hazard mas at areas na may sapat na pag-ulan.

"The Public and Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to take all necessary measures to protect life and property," patuloy pa ng PAGASA.

"PAGASA Regional Services Divisions may issue local Heavy Rainfall Warnings, Rainfall/Thunderstorms Advisories and other severe weather information specific to their areas of responsibility as appropriate."

Nangyayari ang lahat ng ito ilang linggo matapos lumabas ng Super Typhoon Karding mula sa Philippine Area of Responsibility, ang pinakamalakas na bagyong sumalpok sa Pilipinas ngayong 2022. — James Relativo

CAGAYAN

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

TUGUEGARAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with