^

Bansa

2 resorts sa Pilipinas binoto kasama ng '50 pinakamaganda sa mundo'

James Relativo - Philstar.com
2 resorts sa Pilipinas binoto kasama ng '50 pinakamaganda sa mundo'
Litrato ng babae habang nagre-relax sa swimming pool katapat ng dagat
Mula sa website ng Shangri-La Boracay

MANILA, Philippines — Kinilala ng Condé Nast Traveler's Readers' Choice Awards para sa taong 2022 ang dalawang resort sa Pilipinas bilang isa sa mga pinakamaganda sa mundo.

Ang mga nabanggit ay ang El Nido Resorts sa Pangulasian Island at Shangri-La Boracay, bagay na nasungkit ang ika-40 at ika-27 na pwesto sa naturang listahan.

Natural tuloy, kasama rin ang mga nabanggit sa "Top 20 Resorts in Asia" list ng CN Traveler. 

Napasama rin sa ikalawang listahan ang Mactan Reort and Spa ng Shangri-La sa Cebu sa ika-20 pwesto.

"[W]e are delighted to announce that Shangri-La Boracay has placed fifth for Best Resorts in Asia, and the top resort in the Philippines," wika ng Shangri-La Boracay sa isang pahayag, Miyerkules.

"We are endlessly grateful for your continued support and trust, and this recognition will push us harder to deliver the warm and thoughtful hospitality that Shangri-La is known and loved for."

 

 

Kasalukuyang nasa top 1 naman ng world list ang Adare Manor sa Co. Limerick, Ireland habang pinakamaganda naman daw sa Asya ang Six Senses Ninh Van Bay sa Vietnam.

Kinilala rin ng parehong body ang Boracay bilang numero unong isla na dapat bisitahin ng mga turista habang pangwalo naman ang Palawan.

Setyembre lang nang ihirang ng ika-29 World Travel Awards ang Pilipinas bilang "leading beach destination," "leading dive destination" at "leading tourist attraction" sa Asya ngayong 2022.

vuukle comment

BEACH

BORACAY

PALAWAN

PHILIPPINES

TRAVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with