^

Bansa

Ilan sa 433 nagwagi sa Grand Lotto, kumubra na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilan sa 433 nagwagi sa Grand Lotto, kumubra na
Nagtungo kahapon sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City ang tatlo sa 433 winners ng Grand Lotto 6/55 para kunin ang kanilang napanalunan. Paghahatian ng mga nanalo ang jackpot prize na P236,091,188.40. Nasa kanan si PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles.
DZRH News/PCSO

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na ilan na sa may 433 jackpot winners ng GrandLotto 6/55 noong Sabado, ang nagtungo na sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City upang kumubra ng kanilang premyo.

Sa paabiso ng PCSO, mismong si PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles ang nanguna sa pagsalubong sa mga lucky lotto winners.

Personal na iniabot ni Robles ang premyo ng mga lucky winners at pinasalamatan ang mga ito dahil sa pagtangkilik sa kanilang mga palaro.

Binati rin niya ang mga ito sa kanilang pagka­panalo sa lotto.

Ilan rin sa mga mapalad na mananaya ang nagbigay ng pahintulot sa PCSO na magpakuha ng larawan at ipakita ang kanilang mga lucky tickets sa publiko.

Matatandaang Sabado ng gabi nang tamaan ng may 433 lucky winners ang P236,091,188.40 jackpot prize ng GrandLotto 6/55, matapos na mahulaan ang winning combination na 09-45-36-27-18-54.

Ayon kay Robles, aabot sa tig- ?545,245.23 ang maiuuwing premyo ng mga lucky winners.

 

LOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with