^

Bansa

Kulong, multa sa nuisance candidates – Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kulong, multa sa nuisance candidates â Comelec
People troop to the Commission on Elections office in Quezon City before dawn yesterday(September 28, 2021) to sign up for the 2022 general elections ahead of the Sept. 30 voter registration deadline.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Isinulong ng Commission on Elections na gawing isang krimen ang pagsusumite ng certificate of candidacy ang (COCs) ng mga ‘nuisance candidates’ na nililito lang ang mga botante tuwing halalan.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, labis na nakakaapekto ang mga ‘nuisance candidates’ tulad ng insidente sa Negros Oriental noong Mayo 2022 elections, na ang boto ng isang ‘nuisance’ na si “Ruel Degamo” ay nailagay kay da­ting Governor Roel Degamo.

Nagresulta ito sa pagpapawalang-saysay ng Comelec sa pagkapanalo ni Governor Henry Teves.

Naging ‘trend’ na umano at inaabangan ng publiko ang pagsulpot ng mga ‘nuisance candidates’ tuwing halalan, kaya kinakailangan na silang patawan ng parusa.

“Isusulong po sa pamamagitan ng administration ni Chairman George Garcia na sana ‘yung mga ganitong bagay ay mai-declare, ma-criminalize po kasi nagiging uso ito,” saad ni Laudiangco.

Paulit-ulit na lang kada eleksyon, meron at merong tumatakbo na halos kapangalan, katunog ng pangalan ng mga lehitimong kandidato na ang ta­nging dahilan ay para gawing mockery ang eleksyon, lituhin ang mga tao,” dagdag pa niya at iginiit din na mapakulong o mapatawan ng multa ang mga mapapatunayang nagkasala.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with