^

Bansa

Ulat ng COVID-19 sa mga iskul, binubusisi ng DepEd

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ulat ng COVID-19 sa mga iskul, binubusisi ng DepEd
Elementary student after their morning class head home while afternoon class remain suspended due to bad weather condition at Concepcion Elementary in Marikina on Tuesday (September 20, 2022).
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Binubusisi ng Department of Education (DepEd) ang natanggap na ulat na may ilang paaralan at school personnel ang nagka-COVID mula nang simulan muli ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, patuloy nilang inaalam ang report dahil wala pa silang ulat kung ilan ang nagkaroon ng virus sa paaralan.

“Talaga pong meron na tayong natatanggap na mga reports ng COVID cases or cases kung saan nagpo-positive ang ating learners, ang ating teachers, or non-teaching staff. However, as to the exact figure, we cannot give you an accurate figure just yet kasi po we need to verify the info with doon naman sa tracking na ginagawa ng LGUs and perhaps verify the data also with DOH,” sabi ni Poa.

Tiniyak naman ni Poa sa publiko na patuloy nilang susubaybayan ang mga kundisyon ng mga paaralan at ipag-uutos ang pagpapatupad ng infection containment strategies upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa ngayon, mayroong 90 percent ng 47,000 public schools nationwide ang nagpapatupad ng blended learning na may kumbinasyon ng in-person classes at distance learning tulad ng modules at online classes.

COVID-19

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with