^

Bansa

Franchise tax ng POGO, ‘unconstitutional’ - SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Franchise tax ng POGO, âunconstitutionalâ - SC
Sa 42-pahinang desisyon, sinabi ng SC na ang Section 11(f) at (g) ng Bayanihan 2 Law ay pawang ‘unconstitutional’ dahil nilalabag nito ang ‘one subject, one title rule’ ng Konstitusyon. Inilabas ang desisyon base sa petisyon na isinampa ng ilang POGO licensees.
Vallery Hache / AFP

MANILA, Philippines — Idineklara ng Supreme Court na labag sa Konstitusyon ang 5% franchise tax sa ‘gross bets’ ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na nasa ilalim ng Bayanihan 2 Law.

Sa 42-pahinang desisyon, sinabi ng SC na ang Section 11(f) at (g) ng Bayanihan 2 Law ay pawang ‘unconstitutional’ dahil nilalabag nito ang ‘one subject, one title rule’ ng Konstitusyon. Inilabas ang desisyon base sa petisyon na isinampa ng ilang POGO licensees.

“The imposition of new taxes, camouflaged as part of a long list of existing taxes, cannot be contemplated as an integral part of a temporary COVID-19 relief measure. Invariably, Section 11(f) and (g) of the Bayanihan 2 Law are unconstitutional, in so far as it imposes new taxes on POGO licensees,” ayon sa kautusan.

Nakasaad sa Section 11 na 5% franchise tax ang kokolektahin mula sa ‘gross bets’ na kinikita ng mga POGO. Patuloy itong kokolektahin sa loob ng dalawang taon o kung madedetermina na nasawata na ang COVID-19.

Idineklara ring inbalido ang mga kautusang RR No. 30-2020 at RMC No. 64-2020, na inisyu para iimplementa ang Section 11 ng Bayanihan Law.  Maging ang Revenue Memorandum Circular ?102-2017 at Revenue Memorandum Circular 78-2018 dahil sa pagpapataw ng franchise tax, income tax at iba pang buwis sa POGOs.

“All in all, before the reenactment of RA No. 11590, there is no valid law which imposes taxes upon POGOs, including offshore-based POGO licensees. However, this Court deems it proper to emphasize that RA 11590 cannot be applied retroactively,” ayon pa sa SC.

Kaya umano hindi maaaring pagbayarin ng buwis ang mga POGO licensees sa mga panahon na hindi pa ito naisasabatas at naipatutupad.

Samantala, iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maaaring ‘moot’ o wala nang epekto ang SC ruling dahil umiiral na ang ginawa nilang batas na RA 11590 na nagdedetalye ng mga buwis na kokolektahin ng gobyerno sa buong offshore gaming industries.

Sa naturang batas ay itinatakda ang mga buwis na dapat bayaran ng mga kumpanya ng POGO gayundin ang pagkolekta ng buwis sa POGO workers. — Gemma Garcia

POGO

SC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with