Higit 1.226 milyong kostumer ng Meralco, nawalan ng kuryente kay Karding

Village officers operate a siren to warn residents near a creek in Quezon City on Sept. 25, 2022, as Super Typhoon Karding (Noru) slammed into the Philippines.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Aabot sa higit 1.226 milyong kostumer ng Manila Electricity Co. (Meralco) ang pansamantalang nawalan ng suplay ng kuryente sa kasagsagan ng super bagyong Karding nitong Linggo ng gabi.

Sa paabiso ng Meralco, kaagad rin namang naibalik ang suplay ng kuryente sa ibang lugar.

Hanggang 6 am kahapon ay nasa 51,773 kostumer pa ang apektado ng interruptions, na karamihan ay matatagpuan sa Bulacan, Rizal, at Marikina.

Tiniyak naman ng Meralco na puspusan ang ginagawa nilang pagtatrabaho at pagkukumpuni upang maibalik kaagad ang suplay ng kuryente.

Una nang tiniyak ng Meralco na nakaantabay ang kanilang sistema at mga tauhan hinggil sa posibleng power outages na maganap dahil kay Karding.

Ang Meralco ang nagsusuplay ng kuryente sa ilang lungsod at munisipalidad sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Metro Manila, at Rizal, gayundin sa ilang bahagi ng mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Pampanga, at Quezon, na kabilang sa mga sinalanta ni Karding.

Show comments