^

Bansa

Marcos balik-Pinas, working visit sa New York, tagumpay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos balik-Pinas, working visit sa New York, tagumpay
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered a speech upon his arrival at the NAIA on Sunday (September 25, 2022).
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa anim na araw na working visit sa New York City, USA.

Dakong alas-6:30 ng umaga kahapon ng duma­ting ang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at sinalubong siya ni Vice-president Sara Duterte na nagsilbing caretaker sa bansa.

Sa arrival statement ni Marcos, ibinida niya ang achievements at activities niya mula sa kanyang biyahe US simula noong Set­yembre 18-24 kung saan una siyang nakipagpulong sa Filipino community sa New Jersey.

Naniniwala rin siya na makikita ng publiko ang magandang resulta ng pakikipagpulong nito sa mga malalaking negosyante sa Amerika na nagpahayag ng interes at intensiyon na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Ayon pa sa Pangulo, positibo ang naging pakiki­pagpulong nito at ng kanyang economic managers sa business community sa Amerika at maganda aniya ang paningin nila sa Pilipinas.

Ibinida rin ni Marcos na apat na malalaking roundtable discussions ang dinaluhan nila ng kanyang delegasyon mula sa sektor ng pagnenegosyo at inilatag nila ang mga potensiyal na negosyong maaari nilang paglagakan ng puhunan sa Pilipinas.

Karamihan din umano sa mga nakausap nilang mga negosyante ay mayroon ng operasyon sa Pilipinas at ang iba ay interesadong mamuhunan sa bansa.

Ang main event din umano ng kanyang biyahe ay ang kanyang pagbibigay ng statement sa 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA) kung saan tinugunan niya ang mga isyu tungkol sa climate change, pagtaas sa presyo ng mga pagkain at bilihin, rapid technological change, peaceful resolution ng international disputes, pagprotekta sa vulnerable sectors sa socity tulad ng migrants at pagtatapos sa lahat ng uri ng prejudice.

USA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with