^

Bansa

'Karding' posible magdulot ng Signal no. 3, magiging severe tropical storm pa raw

James Relativo - Philstar.com
'Karding' posible magdulot ng Signal no. 3, magiging severe tropical storm pa raw
Namataan ang sentro ng tropical storm sa layong 1,235 kilometro silangan ng Northern Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA nitong 4 a.m., Biyernes.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Maaaring magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 dahil sa bagyong "Karding" sa patuloy na paglapit nito sa kalupaan ng Pilipinas, bagay na lalakas pa raw pa-"severe tropical storm" category oras na mag-landfall sa Northern Luzon posible sa Linggo.

Namataan ang sentro ng tropical storm sa layong 1,235 kilometro silangan ng Northern Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA nitong 4 a.m., Biyernes.

  • Lakas ng hangin: 65 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 80 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran
  • Pagkilos: 10 kilometro kada oras

"Tropical Cyclone Wind Signals may be hoisted as early as tonight over the eastern portions of Northern and Central Luzon in anticipation of winds of at least strong breeze to near gale strength associated with the approaching tropical cyclone," ayon sa state weather bureau kanina.

"[T]he most likely highest wind signal that will be hoisted is Wind Signal No. 2. However, the potential for hoisting a Wind Signal No.3 is not ruled out at this time."

Sa forecast track ng state meteorologists, nakikitang kikilos ang bagyo pakanluran habang dahan-dahang bumibilis patungo sa east coast ng Northern Luzon, kung saan mataas ang posibilidad na mag-landfall ito sa Linggo,

Nakikita ring dahan-dahang lalakas ito bago sumalpok sa Northern Luzon.

"[T]t is likely to make landfall as a high-end tropical storm or a low-end severe tropical storm," sabi pa ng PAGASA.

"Frictional effects of the rugged terrain of Northern Luzon may result in some slight weakening, although KARDING will most likely be at tropical storm category once it emerges over the West Philippine Sea."

Tinatayang makararanas ng mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan at Isabela sa Linggo ng hatinggabi.

Makakatikim naman ng katamtaman hanggang malalakas na pagbuhos sa Cordillera Administrative Region, Cagayn, Isabela, Ilocos Provinces at La Union sa nalalabing panahon ng Linggo hanggang Lunes ng umaga.

Sa kanbila nito, nakikita naman ang mahihina hanggang katamtaman na may minsanang heavy rains sa hilagang bahagi ng Aurora at nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cagayan Valley sa parehong panahon.

KARDING

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with