^

Bansa

Pinas, mag-aangkat ng 150K MT asukal sa Oktubre

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas, mag-aangkat ng 150K MT asukal sa Oktubre
Nauna nang nanawagan ang Malacañang na imbestigahan ang hindi awtorisadong paglagda sa isang resolusyon ng mga miyembro ng Sugar Regulatory Administration na nag-utos sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.
Pixabay

MANILA, Philippines — Bagaman at sapat pa ang suplay ng asukal sa bansa, inilutang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na umangkat ang bansa ng 150,000 metriko tonelada pagdating ng Oktubre.

Sa kanyang lingguhang vlog, na ini-upload noong Linggo,  ipinaliwa­nag ng Pangulo na sapat na ang kasalukuyang imbentaryo ng asukal sa bansa at hindi na ka­ilangan pang mag-import sa kasalukuyan.

Bago anya mag-import ng panibagong asukal ay dapat ubusin na muna ang kasalukuyang ang suplay.

Sa kanyang kalkulasyon, ang suplay ay maaaring lumiit pagsapit ng Oktubre. Pero hindi aniya aabot sa 300,000 MT ang aangkatin.

“Pero kakaunti lang hindi kasing dami ng kanilang sinasabi dati na 300,000 tons. Eh siguro marami --- malaki na ‘yung 150,000 tons para sa bu- ong taon na ito,” wika niya.

Nauna nang nanawagan ang Malacañang na imbestigahan ang hindi awtorisadong paglagda sa isang resolusyon ng mga miyembro ng Sugar Regulatory Administration na nag-utos sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na si Marcos, bilang board chairman, ay hindi pinahintulutan ang pag-aangkat at hindi pumirma ng anumang resolusyon o kautusan para payagan ang naturang hakbang.

Sinabi pa ni Marcos na maingat na pinag-aaralan at kinakalkula ng administrasyon ang pag-aangkat ng asukal gayundin ang mga seedlings, palay, at feed wheat para matiyak ang food security.

Bagama’t hindi aniya maiiwasan ang pag-aangkat, dapat tiyakin ng gobyerno na ito ay sapat lamang.

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with