^

Bansa

Iligal na importasyon ng puting sibuyas, ibinisto

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Iligal na importasyon ng puting sibuyas, ibinisto
Ang pagbubunyag ay ginawa ni Marcos matapos na masabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P36 milyong halaga ng sibuyas sa Misamis Oriental na idineklara bilang “spring roll patti” at “plain churros”.
Pixabay

MANILA, Philippines — Matapos ang illegal na resolusyon na nag-aawtorisa sa importasyon ng 300,000 metriko to­nelada ng asukal sa bansa, ibinunyag naman ni Sen. Imee Marcos ang iligal na importasyon ng puting sibuyas.

Ang pagbubunyag ay ginawa ni Marcos matapos na masabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P36 milyong halaga ng sibuyas sa Misamis Oriental na idineklara bilang “spring roll patti” at “plain churros”.

Hindi naman naniniwala si Marcos na may kakapusan sa puting sibuyas dahil walang naiprisintang mga imbentaryo nito sa pagtatanim at sa panahon ng anihan.

Hinikayat na rin umano niya ang DA na i-assess kung  may kakapusan ng puting sibuyas gayundin sa asukal at porcine PAP (processed animal protein) subalit wala na naman sa datos ng ahensya at ‘wala talagang laman ang mga bodegang ­ininspeksyon nila.

Binalaan naman ni Imee ang mga sangkot sa nasabing iligal na aktibidad.

“Let this serve as a fair warning to all concerned, we are aware of the modus operandi going on. It’s the same old story. Paulit-ulit na lang, eh ” babala pa ni Marcos.

BOC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with