^

Bansa

Pangulong Marcos, suportado ang ‘ladderized’ program sa mga nurse

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, suportado ang âladderizedâ program sa mga nurse
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. attended the 15th Philippine National Health Research System Week celebration in Clark, Pampanga on Thursday (August 11, 2022).
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang mag-alok ng “ladderized” program para sa mga nurse.

Ang ladderized program ay nabanggit ni Health officer-in-charge Usec. Maria Rosario Vergeire sa pakikipagpulong ni Marcos sa Private Sector Advisory Council (PSAC).

Tinalakay sa pulong ang mga hamon na kinakaharap ng sektor ng kalusugan ng Pilipinas, partikular ang paglabas ng mga nurse at iba pang propesyonal sa kalusugan.

Naniniwala si Marcos na ang panukala ay makatutulong na palakasin ang sektor ng kalusugan ng bansa at tugunan ang sinasabing “brain drain,” o ang pag-alis ng mga propesyonal para sa mas magandang suweldo o kondisyon ng pamumuhay.

Sinabi ni Vergeire na ang UP-Manila at mga piling local government units (LGUs) ay nagpapatupad na ng ladderized program.

Sa ilalim ng programa, nag-aalok ang UP Manila ng dalawang taong iskolarship para sa mga midwife na babalik sa komunidad upang maglingkod pagkatapos ng kurso. Kapag nagkaroon sila ng karanasan, bumalik sila sa UP Manila para mag-aral ng nursing sa loob ng dalawang taon.

“They are so good everybody wants them, and they are willing to pay for it, and we are not, or we’re not able. So we have to come up with some strategies for that,” ani Marcos.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with