Pagpapalawig ng COVID-19 state of calamity, nakadepende sa DOH
MANILA, Philippines — Nakasalalay sa rekomendasyon ng Department of Health kung palalawigin pa ang deklarasyon ng COVID-19 state of calamity na nakatakdang magtapos sa Setyembre 12, 2022, ayon sa Malacañang.
Nauna nang sinabi ng DOH na magiging valid ang “emergency use authorization” ng COVID-19 vaccines kapag inalis na ang state of calamity na idineklara dahil sa pandemya.
Noong nakaraang buwan ay inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga awtoridad na tingnan ang posibleng pagpapalawig ng deklarasyon.
Kung tatanggalin na ang state of emergency, mawawala na rin ang kapangyarihan ng mga local government units na ipatupad ang COVID-19 vaccination program at gamitin ang emergency funds para sa health crisis.
- Latest