^

Bansa

Bong Go nagsagawa ng 3-day relief ­effort sa libong mahihirap sa Pampanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbibigay ng tulong sa mga komunidad na apektado ng pandemya sa buong bansa, ang huli ay ang tatlong araw na pamamahagi ng ayuda sa San Fernando City, Pampanga mula Agosto 1 hanggang 3.

Sa kanyang video message, muling iginiit ni Go na nananatili siyang nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihinang sektor at pagtataguyod ng kapakanan at interes ng mamamayang Pilipino sa mga mapanghamong panahong ito.

“Mga kababayan ko, gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya na makapagbigay ng tulong at makapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Kung may kailangan po kayo, huwag po kayong mahiyang magsabi dahil ang bisyo ko po talaga ay magserbisyo,” ani Go.

Muli ring nanawagan ang senador para sa mas mahigpit na pagsunod at pagbabantay sa mga health preventive measures habang pinaalalahanan niya ang publiko na huwag maging kampante sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

Ang pangkat ni Senator Go ay namahagi ng mga pagkain at mask sa kabuuang 2,500 mahihirap sa Heroes Hall sa San Fernando City. Bilang karagdagan, namigay sila ng mga bisikleta, computer tablet at sapatos sa mga piling indibidwal.

Upang matiyak na natugunan ang kanilang mga medikal na alalahanin, hinikayat ni Go, na patuloy na nagsisilbing tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga may isyu sa kalusugan na gamitin ang mga serbisyong makukuha sa Malasakit Centers na matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Ospital sa lungsod at Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City.

Pinuri ni Go ang mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan, lalo na sa gitna ng pandemya.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with