Senado lilipat sa bagong gusali sa 2024

MANILA, Philippines — Lilipat na sa bago at sariling gusali ang Senado sa huling bahagi ng 2024.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ito ang target na panahon para makagamit ng bagong gusali ang mga senador na magtatapos ang termino sa 2025.

Ang bagong gusali ay itinatayo sa Naval Village sa Fort Bonifacio, Taguig City kung saan inumpisahan ito noong Pebrero 2020 sa budget na P8.9 bilyon.

Subalit hindi ito natapos sa budget na Hunyo 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Isinulong ni Sen. Panfilo Lacson gayundin ni Se­nate President Vicente Sotto III ang pagtatayo ng gusali na magiging permanenteng tahanan ng Senado.

Ito ay dahil taun-taon ay umuupa ang Senado ng mahigit sa P100,000 sa Government Service Insurance System (GSIS).

Show comments