^

Bansa

Bong Go: Maging responsableng licensed gun owners

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, vice chairman ng Senate Committee on Public Order, ang ginawang paglagda ni Pang. Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11766, na nagpapalawig sa validity period ng lisensiya at rehistro ng mga baril ng mula dalawa hanggang lima o 10 taon.

Ang RA 11766 ay ni-released noong Mayo 17. Inam­yendahan nito ang RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa ilalim ng naturang batas, ang rehistro ng armas ay dapat na i-renew kada lima o 10 taon, sa opsiyon ng licensee. Samantala, ang permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) ay balido naman sa loob ng dalawang taon mula sa petsa nang pagka-apruba sa aplikasyon, maliban na lamang kung kaagad itong binawi o sinuspinde.

Ayon kay Go, alam ng Pangulo kung gaano kahalaga ang kaligtasan ng bawat isa, kaya’t ngayong ipinatupad aniya ang batas na ito ay inaasahan nilang mas darami pa ang mas responsable at mga law-abiding licensed gun owners.

“Nakikiusap din po ako na mas maging responsable sa paghawak ng baril at tandaan po natin na importante ang buhay ng bawat Pilipino,” paalala pa ni Go.

Nanawagan din ang senador na huwag samantalahin ang pagkakaroon ng baril. “Pakiusap po sa lahat, maging responsableng gun owner po tayo. At dapat po ay magkaroon kayo ng firearm safety training bago po bumili kayo ng baril,” aniya.

GUN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with