Singaporean leader inimbitahan si BBM sa state visit

MANILA, Philippines — Inimbitahan ni Singaporean President Halimah Yacob si presumptive Phi­lippine President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magsagawa ng state visit upang mas mapalakas ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ang imbitasyon kay Marcos ay ipinahatid sa pamamagitan ng isang sulat na inilagay sa website ng Foreign Ministry ng Singapore.

“I would like to take this opportunity to invite you to make a State Visit to Singapore,” ani Yacob kung saan nagpahatid din ito nang pagbati kay Marcos.

“I wish you every success in steering the Philippines to greater heights,” dagdag ni Yacob.

Binanggit din ni Yacob ang matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Singapore na pinagtitibay ng matatag na “economic cooperation.”

Nagsagawa ng isang state visit sa Pilipinas si Yacob noong Setyembre 2019. Ayon sa lider ng Singapore isang “warm and gracious hospita­lity” ang naranasan niya noong magtungo sa Pilipinas.

Sa isang hiwalay na sulat, nagpahatid din ng pagbati kay Marcos si Prime Minister Lee Hsien Loong kung saan sinabi nito na sinusuportahan ng mga mamamayan ang leadership at vision ni Marcos sa Pilipinas.

Show comments