^

Bansa

Kampo ni Marcos naghahanap na ng magiging miyembro ng Gabinete

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kampo ni Marcos naghahanap na ng magiging miyembro ng Gabinete
Vic Rodriguez, spokesperson of presidential candidate Ferdinand Marcos Jr, speaks during a press conference at the campaign headquarters in Manila on May 11, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Naghahanap na ang kampo ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ng mga kuwalipikadong opisyal na hahawak ng ibat-ibang posisyon sa gabinete para sa susunod na administrasyon.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos, ang pinaka-importanteng hinahanap nila sa isang aplikante ay may pagmamahal sa bansa.

“Apart from being competent and qualified, of course ‘yung sinasabi ko kahapon pa ay ‘yung may pagmamahal sa bansa, ‘yung kinikilala ang watawat ng Republika ng Pilipinas, ‘yung rumerespeto sa Saligang Batas at hindi mananawagan ng pagpapabagsak ng gobyerno,” ani Rodriguez.

Nauna rito, inanunsyo na ni Marcos ang kanyang pagtatalaga sa kanyang running mate na si incoming Vice President Inday Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Noong Biyernes ay inihayag naman ni Rodriguez ang nominasyon ni dating MMDA Chair Benjamin “Benhur” Abalos Jr., bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Rodriguez ang inatasang mamuno ng transition team para sa UniTeam kasama sina dating Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo, dating Manila Rep. Naida Angping at South Cotabato Gov. Jun Tamayo.

Itinanggi naman ni Rodriguez ang kumakalat sa social media na mga pangalan ng ilang personalidad na itinalaga umano ni Marcos sa gabinete.

“We only have two names that we have announced so far, that is Vice President-elect Inday Sara Duterte, for the Department of Education and just now I’m announcing the nomination of Chairman Benhur Abalos to the Department of Interior and Local Government,” dagdag pa niya.

Siniguro rin ni Rodriguez na lahat ng aplikante sa iba’t ibang posisyon ay siguradong daraan sa matinding pagsusuri para makasiguro na naka-linya sila sa mga programa ng papasok na administrasyon ni Marcos.

BBM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with