^

Bansa

Mas pinahusay na serbisyo, tiniyak ng Philhealth

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mas pinahusay na serbisyo, tiniyak ng Philhealth
Undated photo from PhilHealth's website.
PhilHealth

Sa pinataas na monthly contribution

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)  ang pinahusay na pagkakaloob ng serbisyo nito sa mga miyembro ngayong tuloy na sa Hunyo ang pagtataas ng monthly contribution na may  3 percent  hanggang 4 percent na  monthly premium rate.

Kaugnay nito, niliwanag naman ng PhilHealth na ang mga nakabayad na ng kontribusyong nasa 3 percent mula Enero hanggang Mayo ay kailangang magbayad ng karagdagang 1 percent  hanggang December 2022 ng walang interes.

Ipinaliwanag din ng PhilHealth na ang premium rate hike ay alinsunod sa Universal Health Care (UHC) Law na mandato na maitaas ng pakonti-konti ang kontribusyon mula 0.5 percent  kada taon  na sinimulan sa 3% noong 2020.

Ayon sa PhilHealth, kailangang maitaas ang premium rate upang pondohan at bayaran ang health services at kaukulang medikasyon ng mga pasyente hanggang sa kanilang paggaling.

Noong Enero 2021 pa dapat itataas sa 3.5 percent ang kontribusyon ng PhilHealth pero ipinagpaliban ito dahil sa COVID-19 pandemic.

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with