^

Bansa

PhilHealth contribution, P400 na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth contribution, P400 na
Ayon sa abiso ng PhilHealth, ang P400 na buwanang kontribusyon ay para sa mga indibidwal na kumikita ng P10,000 pababa kada buwan.
PhilHealth FB Page

MANILA, Philippines — Itinaas na sa P400 ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth.

Ayon sa abiso ng PhilHealth, ang P400 na buwanang kontribusyon ay para sa mga indibidwal na kumikita ng P10,000 pababa kada buwan.

Para naman sa mga kumikita ng P10,000 hanggang P80,000, nasa P400 hanggang P3,200 ang buwanang kontribusyon.

Para sa mga kumikita ng P80,000 kada buwan, magbabayad ng P3,200 na flat rate.

Paghahatian ng mga empleyado at employer ang pagbabayad sa PhilHealth maliban sa mga house-helpers o mga kasambahay na babayaran ng buo ng kanilang mga employer.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas ng kontribusyon ng PhilHealth sa 4 percent na premium rate.

 

 

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with