Higit 100K trabaho nakataya sa Labor Day job fairs

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko na samantalahin ang ikakasa nilang mga job fairs sa darating na ika-120 selebrasyon ng Labor Day sa Mayo 1.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 102,426 trabaho sa loob at labas ng bansa ang iniaalok sa ‘face-to-face Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job and Business Fairs’ na lalahukan ng 900 employers sa buong bansa.

Ang masiglang job fair ay senyales umano ng pagbangon na ng lakas-paggawa sa bansa na ibinagsak ng pandemya.

Kasama sa mga trabaho ang 28,755 posisyon sa mga destinasyon sa Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, Germany, Poland, United Kingdom, Japan, Taiwan, at Singapore.

Nasa 26 job fairs sa buong bansa ang isasagawa. Ang pangunahing job fair ay sa Mayo 1 sa Kingsborough International Convention Center sa San Fernando City, Pampanga, na may higit 10,000 iniaalok ang 90 employers. 

Show comments