‘Election sabotage’ sisilipin ng PNP

A Commission on Elections officer with local representatives conducts testing of a vote-counting machine in Bayombong, Nueva Vizcaya on Tuesday, April 12, 2022 in preparation for the May 9 elections.
The STAR/Victor Martin

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang imbestigahan ang ulat ng umano’y  pananabotahe sa dara­ting na May 9 elections matapos ang pahayag tungkol dito ng tatlong presidentiables.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos, na lahat ng reklamo ay kanilang tinutugunan maging election related issue o hindi.

Sa ngayon aniya, wala pa silang natatanggap na ulat hinggil dito su­balit tatanungin nila rito si Senator Panfilo Lacson, isa sa mga kandidato sa pagka-pangulo.

“So far I have here, si Police Major General Valeriano de Leon, (Directorate for Operation), he’s monitoring for the elections. Wala naman tayong major reports of ganun,” ani Carlos.

Sa isinagawang joint presscon nitong Linggo nina Lacson, Manila Ma­yor Isko Moreno at da­ting National Security Advi­ser Norberto Gonzales, nagbabala sila hinggil sa umano’y destabilisasyon sa darating na halalan sa May 9.

Aminado naman si Lacson na hindi pa nila nabeberipika ang natanggap na ulat.

 

Show comments