^

Bansa

Kung makokolekta: Mas nakakaraming Pinoy makikinabang sa P203 bilyong estate tax ng mga Marcos

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kung makokolekta: Mas nakakaraming Pinoy makikinabang sa P203 bilyong estate tax ng mga Marcos
Nagprotesta kahapon ang mga miyembro ng PRIMO ISKO sa tapat ng punong tanggapan ng BIR sa QC. Dito ay nanawagan sila na kolektahin at singilin na ang utang na P203-B Estate Tax ng mga Marcos na sana ay malaking dagdag sa pondo ng pamahalaan para sa ayuda at programa kontra kahirapan.

MANILA, Philippines — Marami na sanang mapaggagamitan kung nasingil ang P203 bilyong Estate Tax sa gobyerno ng pamilya Marcos.

Ayon kay senatorial aspirant Alex Lacson, sakaling masingil ang utang ng pamilya Marcos, maaaring makapagpatayo ang gobyerno ng 81,200 silid-aralan at 13,533 kilometrong farm-to-market road, o bumili ng 135,333 patrol cars para sa pulisya. Maaari rin itong magamit  sa pagbili ng 157,000 ICU beds, o 52,000 Ge­neral X-Ray facilities na makatutulong sa mahigit 877,600 COVID-19 patients.

“Ganyan kalaki ang sisingilin mula sa mga Marcos,” ayon kay Lacson. “Kung nabayaran sana ito noong 1999 nang naging final and executory sa Supreme Court ang halagang P23 bilyon, eh ‘di sana hindi na ito lumobo sa P203 bilyon.”

“But the Marcos family continues to employ legal maneuvers to escape liability,” giit ng abogado na tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem.

“Kung nasingil sana ito at naidagdag sa panggastos sa napakaraming programa ng pamahalaan, nakapagdulot sana ito ng ginhawa sa mga mamamayan, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.”

Iginiit pa ni Lacson na kapag nasingil ang utang ng mga Marcos, maaaring mabawasan ang kakulangan sa silid-aralan na umaabot sa 123,994.

“Kaya nitong pondohan ang 70% ng pangangailangan ng Universal Health Care Act sa susunod na limang taon o nakapagpatayo rin sana ng 406,000 na pabahay para sa mahihirap na pamilya, o 88 na ospital na may sampung palapag,” ayon sa senatorial candidate.

Makakatulong din ito sa pagbibigay ng ayuda sa  20.5 milyong pamilya na tig-P9,900 bawat isa, or nakapagpaaral ng 422,000 na iskolar,” dagdag niya.

“Marami sana tayong nagawa sa perang ito. Pero ano ang nangyari? Pilit na iniiwasang bayaran ng pamilya Marcos,” giit niya.

 

ESTATE TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with