^

Bansa

Duterte may payo sa mga nang-iiwan ng asawa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte may payo sa mga nang-iiwan ng asawa
“This is my advice, if you can’t change your ways, don’t let your family suffer. Don’t --- I’m not being too --- because I’m separated from my wife as well. But I can’t remarry because of my children,” ani President Rodrigo Duterte.
Presidential Photo / Simeon Celi, Jr.

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nang-iiwan ng asawa na huwag pabayaan ang iniwang pamilya.

“This is my advice, if you can’t change your ways, don’t let your family suffer. Don’t --- I’m not being too --- because I’m separated from my wife as well. But I can’t remarry because of my children,” ani Duterte.

Kalimitan aniya na ang mga babae ang nagsasabi na hindi makikipaghiwalay alang-alang sa mga anak pero may mga lalaki pa rin na nang-iiwan sa kanilang misis.

Sinabi rin ng Pangulo na bihira sa mga babae ang nagloloko at kalimitan ay ginagawa ito ng mga lalaki. Ibinigay pang halimbawa ni Duterte ang mga pulis na nagkakaroon ng dalawang asawa.

Ikinuwento niya ang mga nadaluhang libing ng mga pulis na namatay noong mayor pa siya ng Davao City kung saan dalawang babae palagi ang umiiyak.

Sinabi rin ni Duterte na kapag nagkaroon na ng anak ang mag-asawa kalimitan ay ang mga babae ang nalalagay sa mahirap na sitwasyon.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with