^

Bansa

January jobless bumaba kahit 'Pinas hinigpitan noon dahil sa Omicron variant

Philstar.com
January jobless bumaba kahit 'Pinas hinigpitan noon dahil sa Omicron variant
Hundreds of individuals swarmed at a vaccination site in Pasay City on Monday, Jan. 17, 2022, the first day of the strict implementation of the "no vaccination, no ride" policy in Metro Manila.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bumaba sa 6.4% ang unemployment rate nitong Enero kumpara sa 6.6% sa pagtatapos ng Disyembre 2021 kahit na nagpataw uli nang mas mahihigpit na COVID-19 restrictions buhat ng pagpasok ng mas nakahahawang Omicron variant.

"This translates to 2.93 million unemployed Filipinos, projecting a decline of 1.04 million from the 3.96 million reported in January 2021," wika ng Philippine Statistics Authority sa isang pahayag na inilabas, Biyernes.

"Across regions, eight of the country’s 17 administrative regions posted higher unemployment rates than the 6.4 percent national estimate."

Narito ang mga nagtala ng mas mataas na unemployment rate kumpara sa porsyento ng walang trabaho:

  • Central Visayas (8.0%)
  • Bicol (7.8%)
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (7.5%)
  • CALABARZON (7.4%)
  • National Capital Region (7.3%)
  • Ilocos Region (7.2%)
  • Eastern Visayas (7.0%) MIMAROPA (6.5%)

Tumaas naman ang mga bahagi ng labor force, o mga 15-anyos pataas na nagtratrabaho o unemployed, sa 45.94 milyon — na siyang mas marami sa 45.21 milyon kumpara noong Enero 2021.

Matatandaang inilagay ang Metro Manila atbp. lugar sa mahigpit-higpit na Alert Level 3 hanggang nagtapos ang Enero dahil sa biglang pagsirit ng COVID-19 cases na siyang pinalala ng Omicron variant.

Dahil dito, nilimitahan ang mga establisyamentong maaaring mag-operate noon maliban pa sa pagpapababa ng kapisadad na maaaring papasukin noon, bagay na nakaapekto sa mga negosyo. — James Relativo

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user