^

Bansa

Pharmally execs umalma sa patuloy na pagkakakulong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inalmahan ng kampo ng Pharmally executives ang kanilang patuloy na pagkakadetine sa Pasay City Jail at ang malamyang aksyon ng Court of Appeals (CA) sa kanilang inihaing writ of Habeas corpus petition.

Sa isang press conference, sinabi ni Pharmally Legal Counsel Atty. Ferdinand Topacio na Nobyembre 2021 nang maghain sila ng petisyon sa CA, makalipas ang 5 buwan o nito lamang Marso 1, 2022 nagpalabas ng desisyon ang CA 5th Division sa ilalim nina Associate Justices Apolinario Bruselas Jr., Filomena Singh at Bonifacio Pascua.

Ayon kay Topacio, sa resolusyon ng CA 5th Division ay sinabi nitong moot and academic na ang habeas petition ni Pharmally president Twinkle Dargani dahil pinalaya na ito ng Senado habang sa parehas na petisyon ni Pharmally secretary Mohit Dargani ay wala itong desisyon.

“No further action need to be taken with respect to petitioner Twinkle Dargani, the petition as to her having been rendered moot and academic. Thus her petition is dismissed” nakasaad sa 2 pahinang resolusyon ng CA 5th Division na walang banggit sa kaso naman ni Mohit Dargani.

Ani Topacio, sa 30 taon nito bilang abogado ay nga­yon lamang siya nakakita na 5 buwan inabot bago maglabas ng resolusyon sa writ of habeas corpus na dapat ay 48 oras lamang at sa ipinalabas na resolusyon ay wala ring desisyon sa kaso ng kanyang kliyente.

Sinabi ni Topacio na sa naging pagdinig sa Senado ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kliyente na dumepensa o basahin man lamang ang kanilang statement at agad na kinasuhan ng contempt, nagpasaklolo sila sa CA ngunit wala ring aksyon.

Ang magkapatid na sina Mohit at Twinke Dargani at si Pharmally Director Linconn Ong ay pinatawan ng contempt ng Senado sa kasagsagan  ng pagdinig ng Pharmally mess noong nakaraang taon. Tapos na ang Senate hearing ukol sa issue subalit patuloy na nakapiit sina Mohit at Ong sa Pasay City Jail habang si Twinkle ay pinalaya bilang humanitarian consideration.

PHARMALLY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with