^

Bansa

MMDA nais panatilihin 'mandatory face mask' kahit Alert Level 0 ipataw

Philstar.com
MMDA nais panatilihin 'mandatory face mask' kahit Alert Level 0 ipataw
Commuters and motorists endure gutter-deep flood at the corner of Taft and U. N. Avenues in Manila following Saturday afternoon's sudden heavy downpour on March 13, 2022
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Gusto panatilihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang sapilitang pagpapasuot ng face masks sa publiko kahit na i-deescalate pa ang ilang lugar sa mas maluwag na "Alert Level zero" sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.

Ito ang ibinahagi ni MMDA general manager Frisco San Juan Jr., Martes, sa panayam ng state media sa Laging Handa briefing.

"Gusto lang po naming patuloy pa ring magsuot ng face masks hanggang masabi na po natin na talagang hindi na po tayo matatamaan ng COVID-19, lalung-lalo na ngayong bukas na po ang ating mga airport sa mga ibang bansa na nais dumalaw," ani San Juan kanina.

"Sa amin po, kung anong irerekomenda ng ating [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases]. Ang aming sentimyento ay hangga't maaari, hindi po namin maaaring i-impose [ang mandatory face mask sa Alert Level 1] kung hindi ito i-iimpose ng IATF."

Ika-10 lang ng Marso nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagpapatupad ng alert level system na mas maluwag pa sa Alert Level 1 sa ngayon, lalo na't bumababa ang kaso ng nakamamatay na COVID-19.

Ani Duque, kailangan pang klaruhin kung pwede nang tanggalin ang ilang minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks oras na ilagay sa Alert Level 0 ang anumang bahagi ng bansa.

Una nang sinabi ni San Juan na handa na ang mga alkalde ng National Capital Region oras na ipatupad man ito. Sa kabila nito, pangunahin pa rin daw na concern na tumaas ang COVID-19 cases.

"Wala po namang nagsabi [sa 17 Metro Manila mayors] ng kanilang oposisyon. Ang napag-usapan pa lang po ay handa silang lahat [sa Alert Level 1]," dagdag pa ni San Juan.

Matatandaang nakalagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 pang lugar sa Pilipinas, bagay na matatapos ngayong araw.

Inaasahang ilalabas ang panibagong alert level system kaugnay ng COVID-19 ngayong araw o bukas, Miyerkules. 

Aabot na sa 3.67 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan lang ng 554 nitong Lunes. Sa bilang na 'yan, 57,625 na ang patay. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

IATF

METRO MANILA

MMDA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with