^

Bansa

Plunder sa Pharmally officials, isinampa sa Ombudsman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang negosyanteng si Rose Nono Lin, Michael Yang at iba pang opisyal ng Pharmally gayundin si PS-DBM Chief Christopher Lloyd Lao  kaugnay ng umano’y sabwatan sa pagbili ng mga medical supplies ng gobyerno kontra Covid-19 mula nang maganap ang pandemya sa bansa.

Sa reklamong naisampa sa Ombudsman ni John Lazaro ng SPARK, kailangang mapanagot ng batas ang mga nabanggit dahil bilyong piso ang nalustay sa Pharmally contract habang nagugutom at walang trabaho ang maraming mamamayan sa panahon ng pandemya.

Sinabi ni Lazaro, sapat na napakita ng Blue Ribbon Committee ng Senado sa kanilang imbestigasyon, sa mga testimonya, mga nagkokontrahang pahayag ng mga opisyal at mga malawak na nakalap na ebidensya mula na rin sa mga iba pang sangay ng gobyerno na merong sabwatang naganap sa naturang isyu.

Kinuwestyon ng grupo kung bakit naibigay ang kontrata sa isang bagong korporasyon na walang track record o lumalabas na “middle man” lang sa P8 bilyong kontrata na nakuha ng Pharmally, ang kumpanyang wala umanong financial capacity na makuha ang kontrata sa gobyero.

Kinondena rin ng grupo ang patuloy na pagtatago at pag-iwas ng mga akusado na maimbestigahan sa Senado.

Ikinagalit ng grupo ang paggamit ng mga akusado sa korte at ospital gaya ni Rose Nono Lin na nagsabing magpapa-opera nang maglabas ang Senado ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa makailang beses na pag-isnab nito sa patawag ng Senado para maimbestigahan sa naganap na iregularidad.

Samantala, nasa kulungan ang mga sabit din sa kaso na sina Ong at Mohit Dargani dahil sa pagtangkang pagtakas kaugnay ng kaso.

Hiniling ng SPARK sa Ombudsman na dalhin na sa Sandiganbayan ang kaso at sampahan doon ng plunder ang naturang mga personalidad dahil lampas sa P50 milyon ang nakuhang kontrata kaugnay ng sinasabing anomalya ng Pharmally.

PHARMALLY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with