^

Bansa

'Kung wagi sa 2022': Lacson payag sa ICC probe vs Duterte sa loob ng Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
'Kung wagi sa 2022': Lacson payag sa ICC probe vs Duterte sa loob ng Pilipinas
Activists and supporters of ousted Philippine supreme court chief justice Lourdes Cereno light candles next to a coffin decorated with a caricature of President Rodrigo Duterte (bottom R) and portraits of supreme court justices who voted to oust Cereno during a vigil rally in front of the supreme court in Manila on May 18, 2018. Judges of the Philippines' top court voted May 11 to remove their chief justice, who faced ouster efforts after battling with President Rodrigo Duterte over his deadly war on drugs.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Papayagan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang International Criminal Court (ICC) na pumasok ng Pilipinas para imbestigahan ang diumano'y crimes against humanity ni Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs kung papalaring manalo sa pagkapangulo sa darating na 2022 national elections.

Diretsahang sinagot 'yan ni Lacson sa presidential one-on-one interview na ipinalabas sa "The Boy Abunda Talk Channel," Lunes ng gabi.

"'Yung ICC is the court of the powerless. Who wouldn't want that?" tugon ng senador kay tito Boy.

"So alam mo na ang sagot ko riyan: Papayag ako [na pumasok sila para mag-imbestiga]."

Una nang sinabi ni Lacson na ibabalik niya bilang miyembro ng ICC ang Pilipinas kung siya'y mananalo sa darating na halalan. Ganito rin ang naging sagot ng mga makakatunggali niyang sina Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso, Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Manny Pacquiao.

Marso 2019 nang pormal na lisanin ng Pilipinas ang ICC, isang taon matapos magpadala ng bansa ng liham kaugnay ng pagkalas sa Rome Statute — tratadong gumawa sa korte.

Setyembre 2021 nang aprubahan ng ICC ang full investigation sa mga diumano'y extrajudicial killings at rights abuses sa ilalim ni Digong kaugnay ng droga. Isa ang paksa sa mga naging bukambibig niya habang tumatakbo sa pagkapangulo noong 2016 — ito habang ilang beses na binabanatan ang human rights advocates.

Dati nang sinasabi ng Palasyo na hindi nila papansinin ang aprubadong imbestigasyon na ito, habang idinidiing hindi sila makikipagkoordina sa international body.

Ayon sa opisyal na datos ng Philippine Drug Enforcement Agency na inilabas nitong Disyembre, aabot na sa 6,221 katao na ang namamatay kaugnay ng anti-drug operations simula nang maluklok sa Duterte sa kapangyarihan. 

Sa kabila nito, inilalagay ito ng ilang rights groups sa higit 30,000 habang iginigiit na marami rito ay pagpatay na walang due process. Pwera pa ang mga bilang na 'yan sa mga politically motivated EJKs diumano na ikinakasa laban sa mga kritiko ng administrasyon at mga aktibista.

Enero 2020 lang nang lumabas sa survey ng Social Weather Stations na karamihan ng Pilipino (76%) ang naniniwalang "maraming" human rights abuses ang nangyari sa ilalim ng gera kontra droga, habang 24% lang ang nagsasaing kaonti lang ito.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HUMAN RIGHTS

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

PANFILO LACSON

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with