^

Bansa

Mas maraming buntis nagpositibo sa COVID-19

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mas maraming buntis nagpositibo sa COVID-19
The pregnant are seen lining up for their COVID-19 vaccine at Pinyahan Elementary School in Quezon City on Sept. 4, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mas maraming buntis ngayon ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa medical expert na kumakalinga sa mga buntis ngayong panahon ng pandemic.

“In my personal experience, in the past 10 days, marami ang pasyente ko na buntis na may COVID, na nagpositive sa COVID testing. Fortunately sa mga na-encounter natin, wala naman kaming nakikita na paglabas ng baby ay may severe COVID infection. If ever meron po very kaunti lang po kasi ang mother po kapag nagkaroon ng COVID nakakakuha rin ng antibodies ang baby. Napoprotektahan din ang baby,” pahayag ni Dr. Carmela Madrigal Dy, dating presidente ng Philippine Society of Maternal and Fetal Medicine.

Ang mga buntis ay hinihikayat na ring magpabakuna o booster bilang proteksyon niya at ng bata mula sa virus.

Sinasabing ang mga sanggol ay nakakatanggap din ng antibodies mula sa kanilang bakunadong ina sa pamamagitan ng breastfeeding na may katumbas na proteksyon ng anim na buwan.

Ang mga buntis bago papasukin sa mga ospital o medical institution para magpa-check-up ay kailangan munang magpa-antigen test para matiyak na wala itong COVID.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with