^

Bansa

COVID-19 positive na mga Pinoy pwede nang umuwi sa Pinas - Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 positive na mga Pinoy pwede nang umuwi sa Pinas - Malacañang
Masusing inspeksyon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa health documents at boarding pass nang dumarating na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport Termina 1 sa Parañaque kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na makapasok sa Pilipinas ang mga Filipino na gumaling na sa COVID-19 pero positibo pa rin sa pre-departure RT-PCR test, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, kailangan lamang na magprisinta ang mga biyaherong Filipino mula sa ibang bansa ng kanilang positive RT-PCR Test na kinuha 48 oras bago ang petsa o oras na umalis sa pinanggalingang bansa.

Dapat ding magpakita ng isang medical certificate mula sa isang licensed physician kung saan nakasaad na nakumpleto na ng pasahero ang mandatory isolation period at hindi na siya nakakahawa at pinapayagan na siya ng kanyang free movement maging ang kanyang pagbiyahe.

“Pangatlo, iyong positive RT-PCR test taken not earlier than 10 days but not later than 30 days prior to the date and time of departure from country or port of origin,” ani Nograles.

Pagdating nila sa Pilipinas ay  kailangan nilang suma-ilalim sa facility based quarantine base sa klasipikasyon ng bansa o teritoryo kung saan sila nangggaling at kanilang vaccination status.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with