^

Bansa

'Karamihan mula volunteer': Robredo sinagot pagiging top spender sa Facebook ads

Philstar.com
'Karamihan mula volunteer': Robredo sinagot pagiging top spender sa Facebook ads
File photo ni Bise Presidente Leni Robredo
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Naglinaw ang isang 2022 presidential aspirant patungkol sa pangunguna niya sa sa gastusin pagdating sa campaign ads sa isang social media site, habang idinidiing ginawa ito ng kanyang mga suporter upang labanan ang "fake news" at disinformation.

Umabot kasi sa P14.1 milyong halaga ng Facebook advertisements ang nagastos para kay Bise Presidente Leni Robredo sa pagitan ng ika-4 ng Agosto, 2020 hanggang ika-31 ng Disyembre, 2021. Lumabas ito sa Ad Library ng FB, dahilan para maging numero uno siya sa lahat ng presidential aspirants sa platform.

"From the official campaign, none that I’m aware of. Ang alam ko talaga, karamihan talaga dito mga volunteer groups," sabi ni Robredo, Huwebes, nang tanungin sa ANC kung campaign team nila ang gumastos rito.

"I understand why our volunteers feel the need to do that because it has been clear over the past five years and going into the campaign na grabe talaga ang social media machinery ng kalaban."

Ang bulto ng naturang mga bayad na patalastas ay naipaskil matapos niyang maghain ng certificate of candidacy noong Oktubre 2021.

Sa kabila nito, hindi idinedetalye sa naturang Ad Library kung magkano ang ginagastos ng mga kandidato para gawin ang mga patalastas, mga bayad sa social media experts na humahawak ng accounts atbp. Hindi rin nito sakop ang mga bayad sa social media "influencers" na nag-eendorso sa FB.

Tugon pa ni Robredo, na tinitignan nang marami bilang frontrunner ng oposisyon sa 2022 elections, may "troll armies" ang kanyang mga katunggali na nagpapakalat ng pekeng impormasyon at pamemersonal.

"Kaya marami talaga sa volunteer groups namin, yung perception nila, kailangan talaga nilang tumulong. Every time we meet, yun ang kinakatakutan, 'to na naman ang fake news, kailangan natin 'tong labanan,'" dagdag pa ng bise.

"Parang yung sense of urgency din sa kanila nandun. Kaya everyone else is doing their share."

Disyembre 2021 lang nang itanggi ng kapwa niya presidential aspirant na si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang diumano'y paggastos ng P305.9 milyon sa mga patalastas sa telebisyon bago pa ang pormal na campaign season. Itinuturing siya ngayon ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) bilang top spender sa naturang traditional media platform.

Nobyembre pa nang manawagan si presidential aspirant Ka Leody de Guzman na ipa-ban ang kumersyalisadong premature campaigning ng mga 2022 bets, bagay na nagbibigay daw sa mga mapepera ng matinding bentahe.

'Marcos maraming memes'

Bagama't maraming social media presence mula sa kanya at kanyang mga suporter, walang na-record na ad spending para sa presidential aspirant na si dating Sen. Bongbong Marcos.

Pero ayon kay Jonathan Ong, associate professor sa University of Massachusettes Amherts, na nag-aral tungkol sa disinformation networks, "prefered" daw ng anak ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang meme wars kaysa ads.

"Political ads are traditionally effective in conveying candidates’ general proposition and branding — but they can end up sounding generic and inauthentic," ani Ong sa isang e-mail sa PCIJ.

"BBM is more invested in the "meme wars" and campaigning via political fan groups, community pages, and micro-influencers."

"My own digital ethnography of pro-BBM  accounts on Twitter as well as private messaging apps reveals that they have never stopped pushing the ‘Marcos era as golden age’ narrative and at the same time continued to attack [those] whom they call the ‘pinklawans.'"

Matagal nang itinatanggi ni Bongbong ang alegasyong nagmimintena siya ng troll farms, habang ikinakabit ang popularidad niya sa FB sa mga "totoong suporter." — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with