^

Bansa

Lacson, Sotto, Magalong nagsanib vs hacking

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lacson, Sotto, Magalong nagsanib vs hacking
Philippine senator Panfilo Lacson (R) speaks next to his running mate senator Vicente Sotto III (L) after filing their candidacy for the country's 2022 presidential race, at Sofitel Harbor Garden Tent in Pasay on October 6, 2021.
Rouelle Umali / POOL / AFP

MANILA, Philippines — Dahil sa lumalalang problema sa cybersecurity at hacking, binigyang-tuon ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente Tito Sotto III, kasama ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paghahanap ng solusyon sa isyung ito na nambibiktima lalo na sa mga overseas Filipino worker.

Inimbitahan sina Lacson at Sotto sa Summer Capital of the Philippines nitong Biyernes para dumalo sa Youth Empowerment Forum ng Sangguniang Kabataan, matapos nito, nakipagpulong ang dalawang batikang mambabatas sa alkalde kung saan napag-usapan ang ‘smart city’ project ni Magalong.

Bumilib si Lacson sa programang ito ni Magalong lalo’t konektado ito sa layunin niyang magkaroon ng full digitalization para sa mga transaksyon ng pamahalaan na makatutulong para masugpo ang pangongotong at iba pang katiwalian sa gobyerno at mga isyu na may kaugnayan sa cybersecurity.

Giniit ni Lacson na kinakailangan ng suporta ng pamahalaan para sa research at development na makakapagpabuti sa serbisyo ng gobyerno, mga bangko at iba pang negosyo. Gayunman, sa kabila umano ng mga ipinasa nilang batas sa Senado at paglalaan ng pondo, hindi pa rin nakakamit ng mga Pilipino ang maayos na teknolohiya.

“Ang kalaban talaga dito corruption, ano. ‘Yung sa amin kasi, ‘pag na-solve natin ‘yung corruption sa government at least 50 percent of all our problems will be solved. Sinasadya e. We can fully digitalize our economy. Pati ‘yung mga business transactions, but they refuse, I don’t know why,” sabi ni Lacson.

Dahil na rin sa pagpapalakas ng digitalization sa Baguio City, pinuri ng Lacson-Sotto tandem ang naging maayos na pamamalakad ni Magalong na isa ring retired general. Para sa batikang mambabatas, ang ginagawa ng alkalde ay perpektong halimbawa ng isang magandang pamamahala.

BENJAMIN MAGALONG

PING LACSON

VICENTE SOTTO III

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with