_ngayon
^

Bansa

17 milyong Pinoy workers bakunado na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
17 milyong Pinoy workers bakunado na
Sinabi ni Labor Asst. Secretary Dominique ­Tutay na malaki ang itinaas ng vaccination rate sa mga manggagawa makaraang maglunsad ang pamahalaan ng ‘National Vaccination Day’ mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 na pinalawig hanggang Disyembre 3.
Gerry Lee Gorit, file

MANILA, Philippines — Umabot na sa 17 milyong manggagawa mula sa iba’t ibang industriya ang ganap nang bakunado kontra COVID-19.

Sinabi ni Labor Asst. Secretary Dominique ­Tutay na malaki ang itinaas ng vaccination rate sa mga manggagawa makaraang maglunsad ang pamahalaan ng ‘National Vaccination Day’ mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 na pinalawig hanggang Disyembre 3.

“Mula po sa 10 million prior to the 3-day vaccination po, tayo po ay nasa 17 million na po ang fully vaccinated na workers,” ayon kay Tutay.

Sa kabila nito, inamin ng opisyal na marami pa ring mga empleyado ang hindi pa nakakatanggap ng bakuna na napakaimportante kung magbabalik sila sa kanilang trabaho.

Ginawang ‘mandatory’ ng pamahalaan ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga ‘on-site workers’ sa pampubliko at pribadong sektor ngayong Disyembre. Kung hindi nila ito magagawa, kakailanganin na sumailalim sila sa RT-PCR test kada dalawang linggo at sasagutin nila ang gastos dito.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with