_ngayon
^

Bansa

Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa Pinas, mas mababa sa global average

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa Pinas, mas mababa sa global average
Sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 1.61% lamang ang case fatality rate (CFR) ng bansa na mababa sa 2.0% average sa mundo. Umabot ang peak ng bilang ng mga nasawi nitong Setyembre 2021, ngunit matapos nito ay patuloy na ang pagbaba.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Mas mababa pa rin umano ang antas ng mga nasasawi sa Pilipinas kumpara sa global average na 2.0% sa kabila ng ilang naitatalang mataas na daily deaths.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 1.61% lamang ang case fatality rate (CFR) ng bansa na mababa sa 2.0% average sa mundo. Umabot ang peak ng bilang ng mga nasawi nitong Setyembre 2021, ngunit matapos nito ay patuloy na ang pagbaba.

Nitong Oktubre 2021, nakapagtala ng 4,348 deaths na katumbas ng 1.84% CFR. Bumaba ito sa 838 o 1.81% CFR nitong Nobyembre at patuloy ang pagbaba ngayong Disyembre.

Ito ay sa kabila ng ilang matataas na numero na iniuulat bawat araw. Ikinatwiran ng DOH na ito ay dahil sa backlogs o kabagalan ng pag-uulat ng mga lokal na unit bago pumasok sa kanilang COVIDKaya system kaya nagkakapatung-patong ang mga numero.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang patuloy na bakunahan at pagtaas sa kapasidad ng healthcare facilities kontra COVID-19 ang mga dahilan kaya patuloy na bumababa ang bilang ng mga nasasawi sa bansa.

Gayunman, nasa 85% ng mga naospital ay hindi mga fully vaccinated.

Ang mga pasyente na humahantong sa severe o critical cases ay 1.75 beses na maaaring hindi bakunado habang ang mga nasasawi naman ay 2.6 beses na maa­aring hindi rin bakunado.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with