Alert Level 2 sa Pasko at New Year

Individuals stay outside the Department of Foreign Affairs (DFA) Aseana office in Parañaque City as they wait for the agency to open for their passport application on Tuesday morning, Oct. 12, 2021. Some OFW applicants started waiting in line past midnight, hoping to immediately process the correction on errors in their passports before leaving the country for their respective jobs.
The STAR / Miguel de Guzman, file

Igigiit ng DOH

MANILA, Philippines — Nais ni Health Secretary Francisco Duque III na manatili ang Alert Level 2 sa Pilipinas sa pagsapit ng Pasko at Bagong Taon upang hindi maibaba ang pagbabantay laban sa Omicron variant ng COVID-19.

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang buong bansa hanggang Dis­yembre 15 na nais pang palawigin ni Duque. Sa ilalim nito, tanging 50% ng kapasidad ng mga ‘indoor’ establishment lamang ang pinapayagan.

“Ang mobility tataas na naman nga­yong Kapaskuhan… at merong nagbabadya o banta ng omicron va­riant. Maigi na konserbatibo tayo,” paliwanag ni Duque.

Sinabi ng kalihim na sa ilalim ng Alert Level 2, malaki-laki na ring bahagi ng ekonomiya ang nabuksan at nagdudulot ng unti-unting pagbangon ng bansa.

Samantala, wala pang nabubuong desisyon sa panibagong alert level ang Inter-Agency Taak Force (IATF) dahil magdi-depende pa ito sa pagpasok o hindi ng Omicron sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, dahil may nakaamba pang panganib ng Omicron kaya hihintayin muna nila ang resulta ng pag-aaral na ginagawa ng World Health Organization (WHO).

Paliwanag ni No­g­rales, kailangan munang malaman ang karakter ng bagong virus para alam din ng gobyerno ang gagawin sakaling makalusot ang bagong variant ng COVID-19 sa bansa.

Magpupulong umano ang IATF sa Huwebes para talakayin ang mga gagawing paghahanda para sa Alert level 1 sakaling magbaba ng alerto.

Show comments