Omicron 2 ulit na mas nakakahawa sa Delta

This undated National Institute of Allergy and Infectious Diseases, NIH handout photo obtained August 1, 2021, shows a transmission electron color-enhanced micrograph of SARS-CoV-2 virus particles, isolated from a patient.
Handout / National Institutes of Health / National Institute of Allergy and Infectious Diseases / AFP

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaan ng independent OCTA Research Group na dobleng mas nakakahawa umano ang bagong Omicron va­riant kaysa sa Delta va­riant ng COVID-19 base sa datos na lumalabas mula sa South Africa.

Sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA, na dalawang beses na mas maaaring maipasa ang COVID-19 Omicron variant na nananalasa ngayon sa South Africa at mga karatig na bansa. 

“Reproduction number in South Africa shows an increase to Rt=4 based on our own SIR (susceptible-infectious-removed) model. In previous surges, the reproduction number increased to less than Rt=2,” ayon kay David.

Sa simpleng interpretasyon, nangangahulugan ito na ang Omicron ay kayang makapaghawa ng 10 hanggang 16 na tao sa mas mabilis na panahon ng pagkakalantad sa isang taong infected nito.

Nitong Sabado, inilathala ng South African Medical Research Council ang isang ulat ng biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Tshwane district sa probinsya ng Gauteng kung saan nalagpasan na ng Omicron ang Delta variant.

Ngunit hindi naman ito nagdulot ng pagtaas sa bilang ng mga naoospital dahil sa mababang bilang ng mga nagkakaroon ng pulmonya dulot ng virus.

 

Show comments