_ngayon
^

Bansa

Higit 20K ex-rebels iniwan na ang CPP-NPA mula 2016

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Defense Undersecretary and Task Force Balik Loob (TFBL) chair Reynaldo Mapagu na nasa 20,579 dating mga rebelde ang iniwan ang armadong pakikipag­laban ng Communist Party of the Philippines-New People’s Amy-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) mula pa noong 2016 dahil sa maayos na “whole-of-nation approach” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Mapagu, mula nang maging presidente si Pangulo Rodrigo Roa Duterte naitala ang kabuuang bilang na sumuko kasama ang 5,262 NPA Fighters, 3,414 mi­yembro ng Militia ng Bayan, 7,626 mass supporters at 2,224 underground mass organization members.

Aniya, ibinunyag din ng mga nagsisuko ang “51 NPA arms caches nationwide” na nakarekober ng 245 mga armas at 100 improvised explosive devices (IEDs) at anti-personnel mines (APMs).

“Ang pagkakadikubre sa mga armas na ito ay nagpapatunay na humihina na ang bilang ng NPA, na resulta naman ng pagsisikap ng NTF-ELCAC, at patuloy na military at police operations at maging ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ‘flagship program’ ng pamahalaan para sa integrasyon ng mga dating CPP-NPA-NDF,” ani Mapagu.

Iniulat din ni Mapagu na halos kalahating bilyong piso na ang nagastos ng pamahalaan para sa iba’t ibang programa para sa mga sumusukong mga rebelde.

Sinabi pa ni Mapagu, 623 na mga dating rebelde rin ay kasama na sa Armed Forces of the Philippines (AFP), 66 sa kanila ay mga “enlisted” na sa AFP “regular forces” at ang natitirang 557 ay mga CAFGU o Citizen Armed Force Geographical Unit.

 

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with