^

Bansa

Bong Go: Lumahok sa National Vaccination Drive

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate Committee on Health and Demography chairman Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng Filipino na hindi pa bakunado na samantalahin ang libreng COVID-19 shots sa isinasagawang National Vaccination Days para maabot ng pamahalaan ang target na mabakunahan ang karagdagang 9 milyong indibiduwal sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang 3-day event na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan” ay idaraos simula November 29 hanggang December 1.

Bahagi ito ng whole-of-nation approach ng gobyerno para makamit ang population protection o pagbabakuna sa 50% ng total population.

“Kapag nabakunahan na ang lahat na eligible at naabot na natin ang population protection leading to herd immunity, bababa ang bilang ng mga kaso ng nagkakasakit. Ibig sabihin, unti-unti tayong babalik sa ating normal na pamumuhay,” ani Go.

“Tandaan natin na habang pinoproteksyunan natin ang buhay ng mga Pilipino ay sinisikap din nating lutasin ang mga isyu ng kahirapan at kagutuman na dulot ng pandemya. Kapag protektado ang komunidad gamit ang bakuna, mas makakapagtrabaho ang maraming Pilipino at sisigla muli ang kabuhayan ng lahat,” idinagdag niya.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with