_ngayon
^

Bansa

Aplikasyon ng 76 pang partylist, ibinasura

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang ­aplikasyon ng karagdagang 76 party-list groups na nais tumakbo para sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Kabilang sa mga tinanggihang grupo ay ang 1-Ako Driver, ­Ipaglaban Mo, Ang Pe­deralismo, Antigo-1, Justice Redeemed, Dugong Dakilang Seaman, Ma­harlika People’s Party, Ang Bagong Barangay Natin, at OFW Coalition Party.

Dahil dito, umakyat na sa 202 ang party-list groups na tinanggihan ng Comelec na makatakbo sa darating na halalan. Una nang ibinasura ng komisyon ang aplikasyon ng 126 party-list groups noong Nobyembre 16.

Nabatid na nitong Oktubre 8, umabot sa 270 grupo ang nagsumite ng kanilang ‘certificates of nomination and ­acceptance’ sa Comelec.

Sa ilalim ng batas, nilikha ang party-list groups para katawanin ang mga ‘marginalized at unrepresented sectors’ ng lipunan ngunit sa paglipas ng panahon ay tila naabuso ito dahil sa mga ulat na ang mga ‘nominee’ ay hindi kumakatawan ng sektor na kanilang inirerepresenta at bentahan ng puwesto sa mga malalakas na partylist groups.

Sa halalan, maaari lamang bumoto ang isang botante ng isang party-list group na makakakuha ng isang puwesto sa Kongreso kapag nakakalap ng 2% ng kabuuang boto na nabilang sa eleksyon.

COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with