_ngayon
^

Bansa

NTC inutos ang telcom text blasts

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “BABALA! Huwag maniwala sa text na diumano’y nag-aalok ng trabaho. Huwag po magbigay ng personal na impormasyon. Ito po ay isang scam”.

Ito ang panukala ng National Telecommunications Commission na dapat i-text blast ng mga telecommunications company upang magabayan ang kani-kanilang mga subscriber.

Sa pamamagitan ni Commissioner Gamaliel Cordova ay inaatasan ang mga Digitel Mobile Phil. Inc; Globe Telecoms; Smart Communications, Inc.; at ang Dito Telecommunity Corp. upang itext ang kani-kanilang mga subscriber na ang ilalagay na sender ay ang National Telecommunications Commission.

Sa naturang direktiba ay inatasan ni Commissioner Cordova ang mga telecom na magsumite ang mga ito ng compliance report hanggang December 14, 2021.

Ipinunto ni Cordova na maging maingat ang publiko hinggil sa spam messages upang huwag mabiktima lalo na sa mga personal informations na hihingin ng scammers sa mga social media.

NTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with