^

Bansa

‘eHealth System’, lusot na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
âeHealth Systemâ, lusot na sa Kamara
Sa nagkakaisang boto ng mga kongresista, lumusot ang House Bill No. 10245 o ang “eHealth System and Services Act” na pangunahing inakda ni House Committee on Health Chairperson Angelina “Helen” Tan ng ika-4 na Distrito ng Quezon.
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa pagtatayo ng Philippine Electronic Health o eHealth System and Services na lalo pang magpapalakas sa pagpapatupad ng Universal Health Care o Kalusugang Pangkalahatan sa buong bansa.

Sa nagkakaisang boto ng mga kongresista, lumusot ang House Bill No. 10245 o ang “eHealth System and Services Act” na pangunahing inakda ni House Committee on Health Chairperson Angelina “Helen” Tan ng ika-4 na Distrito ng Quezon.

Sa ilalim ng panukala, itatayo ang sistema ng pagbibigay ng malawakang pagkakaroon ng kalidad na impormasyon ukol sa kalusugan at mga serbisyo gamit ang information and communication techno­logy (ICT) o ang National eHealth System (NeHS).

Ang pagpapatupad ng eHealth sa sistema ng kalusugan sa bansa ay inaasahan na magdudulot ng mas pinagandang resulta ng kalusugan para sa bawat Pilipino.

Ipinaliwanag ni Tan na lubhang mahalaga ang eHealth lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ni Tan na ang eHealth ay magi­ging mabisang paraan sa pag-aalaga ng kalusugan habang binibigyang proteksyon ang mga pasyente at mga health providers sa nakakahawang sakit na COVID-19.

HOUSE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with